unlaping pambuo ng pang-uri at nangangahulugang may-roon, nakasuot, o gumagamit, karani-wang ipinapalit sa naka-, hal de-kotse, de-koryente, de-kuwerdas
2:
gawâ sa, hal de-lata, de-goma
3:
unlaping pambuo ng pandiwa at nangangahulugang a tanggalin, ilayô mula sa, o malayô hal deport, dethrone b pababâ, hal degrade, demote c gawin ang kabaligtaran, hal decompose, de-moralize d lubusan; ganap, hal deplore, declare
de facto (di fák•to)
:
umiiral sa realidad, mayroon o wala mang legal na karapatan o pahintulot
unang araw ng Kuwaresma na ginugunita sa pama-magitan ng pagpapahid ng abó sa noo pagkatapos magsimba
jeu de mots (zhu de mó)
:
pilipit na salita
feu de joie (fyu de zhwa)
:
pagpupugay sa pamamagitan ng pagpapaputok ng mga baril
cabo de vara (ká•bo de vá•ra)
:
bastonero2
Cagayan de Oro (ka•ga•yán de ó•ro)
:
lungsod sa Misamis Oriental at kabesera ng lalawigan
ka•bé•sa de ba•ra•ngáy
:
noong panahon ng Espanyol, pinunò ng nayon na binubuo ng 50-60 mag-anak
Acta de Tejeros (ak•tá de te•hé•ros)
:
kasulatang nilagdaan noong 1897 ni Andres Bonifacio at nagpapawalang-bisa sa halalan ng mga opisyal na ginanap noong 22 Marso 1897 sa Kumbensiyong Tejeros
tribunal de consulado (tri•bu•nál de kon•su•lá•do)
:
no-ong panahon ng Espanyol, tribunal na binubuo ng mga mangangalakal na nagpapasiya ukol sa mga bagay sa pangangalakal, obligasyon, at kontrata.
ka•dé•na de a•mór
:
baging (Antigonon leptopus) na may malakíng habilog na dahon at may ukit ang mga gilid, may mga bulaklak na nakapumpon sa bawat tangkay, kulay mapusyaw hanggang matingkad na pink, katutubò sa Mexico at malaganap ngayon sa buong Filipinas, may mga variety na inaalagaan sa hardin at may mga bulaklak na kulay putî hanggang pink
joie de vivre (zwha de viv)
:
ligaya sa búhay
a•ni•yás de mó•ras
:
mataas at magaspang na damo (Vetiveria zizanoides) na may mabangong ugat at dahon, katutubò sa India ngunit malaganap sa Filipinas
halámang ornamental (Cestrum nocturnum) na mahabà ang mga sanga, at berdeng manilaw-nilaw ang bulaklak na humahali-muyak sa gabi, katutubo sa tropikong Amerika
nom de guerre (nam de ger)
:
alyas na ginagamit ng isang tao sa pakikilaban o sa iba pang gawain
de Malacca, Enrique (de má•la•ká en•rí•ke)
:
interpreter ni Fernando Magallanes, sinasabing katutubò sa Filipinas
Fuerza de Santiago (fu•wér•sa de san• ti•yá•go)
:
kutà na kasudlong ng Intramuros, Maynila, ginamit na bilangguan sa mga panahon ng Espanyol at ng Hapon
tercio de policia (tér•syo de po•lís•ya)
:
mga pulis na nakatala-ga sa mga lalawigan.
Ve•nus de Mi•lo
:
klasikong imahen ni Aphrodite na tinatáyang ginawâ noong 100 BC, itinuturing na pinakatanyag na sinaunang eskultura, natagpuan sa Griyegong isla ng Melos noong 1820, at nása museong Louvre sa Paris, France ngayon
Don Tiburcio de Espadaña (don ti•búr•si•yó de es•pa•dán•ya)
:
tauhang Espanyol sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, nagpapanggap na doktor, at sunod sunurang bána ni Donya Victorina
Aquino de Belen, Gaspar (a•kí•no de be•lén, gas•pár)
:
awtor ng kauna-unahang pasyon sa Tagalog na inilimbag noong 1704
Rio Grande de Mindanao (rí•yo grán• de de min•da•náw)
:
pinakamalaking ilog sa katimugang Filipinas, umaabot sa 320 km ang ha-bà, nagsisimula ito sa hilagang sila-ngang Mindanao timog ng Butuan at tinatawag doong Ilog Pulanggi, du-madaloy ito upang sumanib sa Ilog Kabacan at nagiging Ilog Mindanao. Mula sa kabundukan, nagiging sentro ito ng malawak at mayamang lupain sa timog gitnang bahagi ng Mindanao hanggang magtapos sa Golpong Mo-ro